Pages

Tuesday, May 1, 2012

5th Book: Lumayo Ka Nga Sa Akin

Sa librong 'to ni Bob Ong, para kang nagbasa ng movie script.

1st: Bala sa bala, kamao sa kamao, satsat sa satsat!
*Tungkol sa tipikal na action movie, kung saan mayroon action star, kasalan, barilan sa kasalan, goons, at kung anu-ano pang makikita sa pinoy action movie.

2nd: Shake, shaker, shakest
*Tungkol sa kwento ng pamilya na na-trap sa haunted house. Over the course of conversations, mapapag-usapan din ang mga libro at kung paano pinapaikot ng mga bookstores ang pagdedesisyon kung alin ang bestsellers, at kung paano nila naiimpluwensyahan ang mga tao. Nabanggit din ang impluwensya ng telebisyon sa buhay ng mga ordinaryong mamayan.

3rd: Asawa ni Marie
*Tungkol naman sa drama movie, at mga  cliches sa pinoy teleserye. Mapag-uusapan dito ang impluwensya ng hollywood sa paggawa ng pinoy movies, kung saan sa halos lahat ng pelikula ay kasama ang mga bed scenes, pero basura naman ang plot.

Actually, medyo natagalan akong tapusin ang librong 'to. Ewan ko lang para sa iba, pero sa'kin medyo na boring-an ako sa takbo ng story eh.

The book was meant to be satirical sa movie and book industry sa Pilipinas, pero meron lang talagang mga parts na dull, or dragging. Siguro ako lang yun, kaya rin siguro di ako naging script writer.. :P

So, ito yung mga feeling ko, may sense na sinabi ng mga characters sa book:

[Diego:
Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may diperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
Ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro eh yung may matutunan ka pag kausap mo,yung makikita mong naging marunong at mabuti syang tao, dahil sa pagbabasa nya ng mga libro.]


[Mar:
Majority ng mga viewers ang hindi nakakaalam na may laging itinuturo sa atin ang TV. Ang tanong ay kung anu-ano ang mga 'yon?
Kinokondisyon tayo ng mga patalastas na hindi tayo masaya. Na laging may kulang sa buhay natin.]

[Samuel: Sige nga magdebate tayo! Patunayan mo sa'kin na may Diyos!
Pundit: Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Huwag kang magpakarga. Katamaran yan.]

[ Samuel na possessed:
Itinda nyo... Pero wag nyong gagamitan ng salitang best seller kung di naman totoo.
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao.]

Next in Line: The Egypt Game

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...