Pages

Tuesday, March 16, 2010

akalain mo yun.. medyo desente rin pala ang blog ko..

Well, I'm here at the office (yey, may work na) walang magawa, so I thought, mabisita nga ang aking blog. I've read the articles..(after ages)

Syempre pag nagsulat tayo feeling natin ang ganda-ganda ng output natin, pero may nabasa ko sabi para raw malaman mo kung maganda nga ang sinulat mo, magsulat ka tapos wag mo basahin sa loob ng ilang araw (sakin inabot na ng buwan haha)tapos, pag binasa mo ulit malalaman mo kung mapapangitan ka na sa work mo or magagandahan ka pa rin.

So ayun nga, bukod sa mangilan-ngilang grammatical at typo errors sa palagay ko naman desente yung mga nagawa kong articles. Pero kailangan pa iimprove iyon. Sabi nga ng photography prof namin na si sir pata (oo seryoso,pata talaga pangalan nya...) you're just as good as your last photo.

Kung baga, kung nagandahan ka na sa nagawa mo tapos di ka na gumawa ulit, magiging hanggang doon na lang ung level mo. Na hindi dapat. Dapat, ang mindset ay keep aiming for excellence and development.^^

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...