Pages

Sunday, February 26, 2012

Naranasan mo na bang…

maipit sa pagitan ng dalawang taong nagdadaldalan sa  jeep?




Dati, madalas ako mabiktima nito. Yung tipong sumakay ka ng jeep as usual, tapos may sumakay at umupo ulit after you. Tapos biglang “Omegosh, bading ikaw ba yan?!” At hindi ako yung sinabihan, kundi yung isa ko pang katabi, and the rest is history.

Nakakainis yung ganun, magdadaldalan sila habang sandwich ka sa pagitan nila. Ano ka, invisible?!

Ganito ang isang halimbawa ng sandwich na usapan:
A: O ano na… blah blah…
B: Oo nga ,akala ni ma’am… yada yada…
Ako: ahem…
(Si A, mimwestra at kakalabitin yung isa)
(Si B, ilalapit ang ulo sabay magdadaldalan ulit.)
Ako: (Ah… excuse me, may tao po sa pagitan nyo… =_=)

Makalipas ang ilang minuto…
A: Oh, ano nang nanyari dun sa…
B: Ah di mo alam, ganito yun…
Ako: (Gusto nyo palit na lang tayo ng pwesto?)

Makalipas ang ilan pang minuto..
A: Ay naku si placenta na alis nap ala.
B: Si placenta bay un,akala ko si Gluta…
Ako: (Nasaan si Biolink at Silka?)

At lumipas ang byahe na ganun ang usapan, hanggang sa bumaba ako nagdadaldalan sila. Yung kasalasang labing limang minute kong byahe, parang naging labing limang taon.

Actually, mabait pa ko ng nangyari to, kaya kalma lang ako. Pero next time na mangyari to, baka mag monster mode na ko… hehe :P

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...